Serye ng Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Masiglang Pamumuhay para sa Kinabukasan Baitang 4 Ikatlong Edisyon
Ang Serye ng Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Masiglang Pamumuhay para sa Kinabukasan Ikatlong Edisyon na worktext ay nakatuon sa pagtuturo sa mga mag-aaral na maging responsable at mahuhusay na indibiduwal na may epektibong kakayahan na mangasiwa ng kanilang sambahayan, at magkaroon ng kakayahang makahanap ng iba’t ibang kabuhayan at mapanatili ito upang matulungan ang kanilang sarili, kanilang mga mahal sa buhay, at kanilang komunidad.
Ang layunin ng Masiglang Pamumuhay para sa Kinabukasan ay tulungan mapabuti at mapalawak ang mga karanasan sa isang natatangi at makabagong paraan.
Narito ang mga katangian hinahanap sa mahusay na programa sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan:
>Ang serye ay alinsunod sa MATATAG Curriculum
Masistemang pinagsama ang Information and Communications Technology, Agriculture and Fishery Arts, Family and Consumer Science, at Industrial Arts.
>Ang mga aralin ay makatutulong sa mga mag-aaral na paunlarin ang kanilang kaisipan, kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga, upang magtagumpay sa mga gawain na makapagpapabuti sa kanilang sarili, pamilya, at komunidad.
> Ang mga gawain ay madaling maunawaan, naangkop sa paksa, learner-centered, at nahihikayat ang mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang pagkamasining at pagkamalikhain.
Author/s
Estifania Gloria L. Lee at Annie R. Villazamora
Kalakip sa serye na ito ang mga worktext, Teachers Wraparound Edition (TWE), at Blended Learning Resources (BLR) tulad ng mga slide presentation, karagadagang gawain, at mga online resource na nakapaloob sa mga QR code. Layon ng mga Blended Learning Resource na ito na lalong makatulong sa pagtuturo ng mga guro at mga magulang, at sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa lahat ng learning environment.
