Sandigan Sining ng Komunikasyon Para sa Mataas na Paaralan
Ang ikatlong edisyon ng pinagkakatiwalaang serye ay maingat na sinuri at inayos upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante sa mga makabagong kalakaran sa pagaaral ng wika at panitikan. Umaalinsunod ang serye sa kurikulum ng Filipino sa edukasyong pansekundarya batay sa Basic Education Curriculum upang lalong malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mga kasanayang pangkomunikasyon: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Author/s
Antas I: L. Arellano, N. Dillague, C. Javier, S. Marquez, Jr., L. Mercado, at D. Rodriguez
Antas II: N. Dillague, C. Javier, S. Marquez, Jr., L. Mercado, D. Rodriguez, at R. Villaruel
Antas III: N. Dillague, L. Gabriel, C. Javier, S. Marquez, Jr., at L. Murillo
Antas IV: N. Dillague, C. Javier, F. Garcia, S. Marquez, Jr., at L. Pico
Mga Awtor-Koordineytor: Servillano T. Marquez, Jr. at Concepcion D. Javier
Level/s
I, II, III, at IV
Karapatang-ari
Antas I – 2002
Antas II – 2002
Antas III – 2002
Antas IV – 2002
Binibigyang-diin ang edukasyong pagpapahalaga sa epektibong pagtuturo ng Filipino!
Ang ikatlong edisyon ay naglalaman ng sumusunod na katangian:
- Mga napapanahong mga babasahin at artikulo na sadyang pinili at iniangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral at guro tungo sa ikatatagumpay ng mga hangaring pangkaunlaran ng Pilipinas
- Nagbibigay sa mga mag-aaral ng mga araling may diwa at mensaheng may kaugnayan sa pangangalaga sa kapaligiran at kagubatan, katarungang panlipunan, pagpapahalaga sa mga katutubo, kahalagahan ng pagkakaroon ng matatag na paninindigan sa buhay, at iba pang mga elementong kailangan sa pagharap ng mga mag-aaral sa mapanghamong buhay
- Gumamit ng Higher Order Thinking Skills (HOTS) sa paglinang ng mga kasanayang pangkomunikasyon: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat
- Binigyang-diin ang integrasyon ng mga aralin sa ibang mga aralin at disiplina
Batayang Aklat—Ipinakikita ang makabagong pamamaraan sa pagtuturo ng panitikan at wika sa hayskul. Nagtataglay ng mga pagsasanay, tanong, paraan ng paglinang sa mga talasalitaan na angkop sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo.
Patnubay ng Guro—Naglalaman ang patnubay ng mahahalagang impormasyon upang mapahusay ang pagpapaliwanag sa mga leksiyon.
Buklet ng Malikhaing Komposisyon—Inihanda upang mataya ng mga guro at mag-aaral ang natamong kasanayan at kaalaman sa gamit at anyo ng wika sa pamamagitan ng paraang pasulat.
