Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Bilang pagtugon sa pangunahing tunguhin ng Enhanced Basic Education K to 12 Curriculum na maihanda ang mga mag-aaral sa pagharap sa ika-21 siglo ay maingat na isinulat ang aklat na Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Author/s
Ailene Baisa-Julian and Nestor S. Lontoc; Koordineytor: Alma M. Dayag
Level/s
Senior High
Copyright
2016
Ito ay naglalayong:
- makalinang nang buo at ganap na Pilipinong may kapakipakinabang na literasi na may sapat na kakayahang pangkomunikatibo kung saan ang mga mag-aaral ay hahasaing gamitin ang wikang Filipino bilang wika ng intelektuwalisasyon at wikang ginagamit sa iba’t ibang disiplina;
- maging bihasa at magkaroon ng sapat na kakayahan ang mga mag-aaral upang makabuo ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin tulad ng bionote, panukalang proyekto, replektibong sanaysay, lakbay-sanaysay, katitikan ng pulong, at iba pa na kakailanganin nila sa pagpasok sa kolehiyo at trabaho;
- maituro ang mga pundamental na teknik sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin;
- malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na maging obhetibo sa paglalahad ng mga kaisipan at maging sanay sa pagsisiyasat at higit na maging masining sa pagsulat;
- higit sa lahat, makabuo ng portfolio ng mga binuong akademikong sulatin na magpapatunay nang ganap na pagkaunawa ng mga kaalaman at kasanayang nakapaloob sa kursong Pagsulat ng Sulating Akademik.
