Kasaysayan ng Mundo
Masinsing itinuturo ng binagong aklat ang iba’t ibang panahong bumubuo sa makulay na kasaysayan ng daigdig. Mahusay na sinala ang mga aral at saloobing napapaloob sa bawat leksiyon at iniugnay ang mga ito sa kasalukuyang panahon.
Author/s
Bro. Andrew Gonzales, FSC, Cristina R. Velez, at Elyria C. Bernardino
Level/s
High School
Textbook Copyright
2002
Serye ng Phoenix sa Araling Panlipunan
Iniwasto at Isinapanahong Edisyon
Lalong pinagyaman, ang Kasaysayan ng Mundo ay—
- komprehensibong tumatalakay sa kasaysayan ng Kanluran, sa ginawa nitong pagpapalawak at pagsakop sa mga lupa sa Bagong Mundo at Asya, iba’t ibang panahon ng tao, at mga digmaan
- naglalaman ng mga karagdagang bagong paksa upang maging napapanahon ang mga aralin
- may talasanggunian na nagsisilbing gabay at panghikayat sa karagdagang pagsasaliksik ng mga mag-aaral at talatuntunan upang mapadali ang cross‑reference
- may apendiks na naghahandog ng organisadong presentasyon ng mahahalagang pangyayari sa mundo sa paraang madaling basahin
Teksbuk— Naglalaman ng makabagong mga estratehiya, mga gawaing nagpapayaman sa kasanayang kognitibo ng mga estudyante, at mga tulong sa pag‑aaral tulad ng Talasalitaan, Gawaing Pantalakayan, at Karagdagang Gawain.
Patnubay ng Guro— Naglalaman ng detalyadong mga hakbang sa pagtuturo ng bawat aralin sa teksbuk.
