Kasaysayan at Kabihasnan ng Asya
Ang iniwasto at isinapanahong edisyon ng inyong pinagkakatiwalaang teksbuk ay naglalaman ng mas mayaman, tematiko, at organisadong mga aralin sa kasaysayan, kultura, at pamahalaan ng Pilipinas.
Author/s
Bro. Andrew Gonzales, FSC, Lilia Sta. Ana-Rankin, and Adelaida N. Hukom
Level/s
High School
Textbook Copyright
2002
Serye ng Phoenix sa Araling Panlipunan
Iniwasto at Isinapanahong Edisyon
Higit na masaklaw at makabuluhan ang mga aralin, ang edisyong ito ay—
- nagbibigay sa mga estudyante ng kakayahang umunawa sa kasalukuyang mga isyu at pangyayari sa magaan at maingat na pamamaraan
- nagbibigay-linaw sa mga puwersang nalikha bilang resulta ng kasalukuyang pagkakalilanlan ng mga Pilipino nang hindi lamang binibigyang-diin ang pangunahing saligan o background ng kasaysayan ng Pilipinas
- umaalinsunod sa balangkas ng Bagong Kurikulum sa Mataas na Paaralan o New Secondary Education Curriculum
Teksbuk—Naglalaman ng komprehensibong aralin na sinimulan sa pagtalakay sa heograpiya ng bansa bago ang kolonyalismo, panahon ng mga Español, ng Amerikano, at ng pagsasarili. Isinaalang-alang din sa aklat ang pagtalakay sa ating mga naging konstitusyon (1899, 1935, 1973, at 1987). Ang mga talasalitaan, mga tanong tungkol sa aralin, at karagdagang gawain ay nakapaloob sa teksbuk para sa mabisang pagkatuto at maunlad na kasanayang pandamdaming lilinangin ng mga aralin.
Patnubay ng Guro—Sa gabay na ito ay nakapaloob ang mga estratehiyang maaaring gamitin ng mga guro sa pagtalakay ng mga aralin sa teksbuk. Ilan sa mga estratehiyang ito ay ang lektura, panayam, pag-uulat, pagmamasid, pagsasadula, pagdalaw sa mga lugar, talakayan, at grupong talakayan. Kasama rin dito ang mga pamamaraan sa pagpapahalaga na sumusukat sa mga natutuhan ng mga estudyante tulad ng graded recitation, graded seatwork, group report, at dramatization.
