Kasaysayan at Kabihasnan ng Asya
Ang iniwasto at isinapanahong edisyon ng Kasaysayan at Kabihasnan ng Asya ay iniangkop sa pangangailangan ng mga magaaral sa ikalawang antas ng hayskul. Naglalaman ng mga paksa na isinaayos ayon sa tema, mas malinaw na nailalahad ng aklat ang mga aralin tungkol sa kasaysayan, heograpiya, mga sibilisasyon, at kultura ng mga Asyano.
Author/s
Bro. Andrew Gonzales, FSC at Cristina R. Velez
High School
Textbook Copyright
2002
Serye ng Phoenix sa Araling Panlipunan
Iniwasto at Isinapanahong Edisyon
Binigyang‑pokus ang mga pandaigdigang problemang ekolohikal tulad ng polusyon at pagkalbo ng kagubatan na wala sa unang edisyon ng aklat. Ipinakikita rito ang mga hakbang na isinasagawa ng mga bansa sa Asya para malunasan ang mga problemang ito.
Mga natatanging katangian:
- Komprehensibong tinatalakay ang aspektong politikal, relihiyon, kultura at edukasyon, at populasyon ng Asya—mahahalagang aralin sa larangan ng Araling Panlipunan
- Isinasalaysay ang kasaysayan, heograpiya, at sibilisasyon ng Asya sa perspektibong Asyano
- Naglalaman ng iba’t ibang mapa na makatutulong sa mga estudyante na maging pamilyar sa iba’t ibang lugar sa Asya
- Ginawang simple at ayon sa antas ng mga estudyante ang mga pangungusap na ginamit sa aklat
Teksbuk— Sa bawat kabanata ay may panimulang naglalaman ng buod ng tatalakaying aralin. Nagsisilbi itong mainam na transisyon sapagkat ipinakikita ng panimulang buod ang kaugnayan ng mga tinatalakay na konsepto sa mga aralin sa nauna at kasunod na kabanata. Naglalaman din ang teksbuk ng mga tulong sa pag-aaral tulad ng talasalitaan sa dulo ng bawat aralin; at mga katanungang simple at medyo may kahirapan na humihingi ng pagsusuri, sintesis, at pagpapahalaga mula sa mga mag-aaral.
Patnubay ng Guro— Naglalaman ng mga mungkahing gawain na magsisilbing pagsubok sa natutuhan ng mga mag-aaral; mga layuning kognitibo, apektibo, at psychomotor na magsisilbing gabay sa direksiyon ng mga guro; mga kagamitang kakailanganin sa mga gawain; at mga sagot sa Gawaing Pantalakayan ng teksbuk.
