Mga katangiang hinahanap sa mahusay na programa sa edukasyong pantahanan at pangkabuhayan:
- gumagamit ng mga kawili-wiling pamamaraan sa pag-aaral tulad ng pangkatang gawain, pananaliksik, paggamit ng komiks istrip, paggawa ng proyekto, at iba pa
- tumutulong sa pagsusuri ng natutuhan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gawaing hahamon sa kanilang isipan at pagiging malikhain
- naglalaan ng mga proyektong kapaki-pakinabang at mapagkakakitaan
- ipinapaliwanag nang mahusay at detalyado ang mga aralin at alituntunin sa iba’t ibang gawain tulad ng pananahi, pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan, pag-iimbak ng mga pagkain, at marami pang iba