Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Nakabatay ito sa mga kasanayan sa pagkatutong itinatakda ng Kurikulum para sa K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon.
Author/s
Alma M. Dayag and Mary Grace G. del Rosario
Level/s
Senior High
Copyright
2016
- Nagtataglay ng mga babasahin, mga gawain, mga pagtataya, at mga pagpapahalagang iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang higit na maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at makapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.
- Naglalayong higit pang mapalalim ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang sariling wika at mga konseptong kaugnay nito.
- Nagtataglay ng mga araling nagbibigay-diin sa mga aspekto ng buhay sa ikadalawampu’t isang siglo upang malinang ang mga kasanayan at pagpapahalaga tulad ng mahusay na pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip, mabuting pakikipagkapwa-tao, at paglikha ng makabuluhang bagay na makatutulong sa kanilang pagharap sa mga susunod na taon ng pag-aaral, pagtatrabaho, o pakikipagkalakalan.
- May kasamang Curriculum Map at Learning Guide na gumagamit ng estilong backward design.
