Pinagyamang Pluma
Ang seryeng nagtataguyod ng paglinang sa kabataang Pilipinong hindi lamang matatalino kundi maka-Diyos, may mabubuting kalooban, handa sa mga hamong dala ng totoong buhay, at kapaki-pakinabang sa kapwa, sa kalikasan, at sa bayan.
Author/s
Grade 7: Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, at Carmela H. Esguerra; Awtor-Koordineytor: Alma M. Dayag
Grade 8 at 9: Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, and Mary Grace G. del Rosario; Awtor-Koordineytor: Alma M. Dayag
Grade 10: Emily V. Marasigan; Koordineytor: Alma M. Dayag
Level/s
7, 8, 9, and 10
Karapatang-ari
Baitang 7 – 2014
Baitang 8 – 2014
Baitang 9 – 2014
Baitang 10 – 2015
- Nakabatay sa mga kasanayan sa pagkatutong itinatadhana ng Kurikulum para sa K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon (para sa Pinagyamang Pluma 7 hanggang 12);
- Nagtataglay ng mga babasahin, mga gawain, mga pagtataya, at mga pagpapahalagang iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang higit na maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at makapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay;
- Naglalayong higit pang kalugdan at tangkilikin ng mga mag-aaral ang panitikang Pilipino sa pamamagitan ng magaganda, kawili-wili, at pilimpiling babasahin;
- Nagtataglay ng mga araling makalilinang hindi lang ng mga kasanayang pampagkatuto kundi ng mga aral sa buhay at pagpapahalagang gagabay sa mga mag-aaral na maging mabuti at laging gumawa ng TAMA sa lahat ng pagkakataon, mayroon man o walang nakakikita sa kanila;
- Nagbibigay-diin sa lahat ng aspekto ng buhay batay sa mga temang isinusulong ng transformative education tulad ng Edukasyong Pangkapaligiran, Paggalang sa Kapwa Anuman ang Kasarian, Edukasyong Pangkatarungan at Pangkapayapaan, at Katatagang Pampolitika at Pampamayanan.
- Kalakip ng serye ang sumusunod: Learning Guide, Teachers Resource CD, Teachers Wraparound Edition (TWE), at Curriculum Map.
Worktext—Naglalaman ng mga seleksiyong pilimpili at inaasahang makahihikayat sa mga estudyante upang lalo pang kalugdan ang panitikang Pilipino. Nakapaloob din ang mga araling pangwika gayundin ang iba’t ibang gawain at pagsasanay na nakapaloob sa bawat tema ng transformative education. Binubuo ang bawat aklat ng limang komponent na naglalaman ng mga babasahing pampanitikan, mga gawaing pagpapahalaga, mga kasanayang pampag-aaral, mga kasanayang pangwika, at mga gawaing pampalawak ng mga kasanayan.
Patnubay ng Guro—Isang gabay na masasabing “teacher-friendly,” nakasulat nang maikli subalit komprehensibo, nagtataglay ng lahat ng kakailanganin ng guro upang maituro nang mabisa ang bawat aralin: layunin, kagamitan, mga makabagong pamamaraan, pagpapahalaga, malikhaing gawain, at mga sagot sa pagsasanay.
Learning Guide—Gumagamit ng estilong backward design. Ang LG ay masasabing “teacher friendly” sapagkat ito’y nakasulat sa paraang bulleted upang mas madaling basahin, maikli, hindi maligoy subalit nagtataglay ng lahat ng kakailanganin ng guro upang maituro nang mabisa ang bawat aralin.
