Kalinangan
Magpakatalino at damhin ang pagiging Pilipino!
Malaman at komprehensibo, ang pinakabagong edisyon ng Kalinangan ang serye para sa mas mayamang pag-aaral ng sibika at kultura, heograpiya, at kasaysayan ng Pilipinas.
Author/s
Irene C. de Robles, Zenaida Z. Agbon, Aurelia T. Molave, Fe B. Mangahas, Lito A. Palomar, at Lidinila M. Luis-Santos; Awtor-Koordineytor: Carolina P. Danao
Level/s
Baitang 1, 2, 3, 4, 5, at 6
Copyright
Baitang 1: 2008
Baitang 2: 2008
Baitang 3: 2008
Baitang 4: 2008
Baitang 5: 2008
Baitang 6: 2008
Mga katangian ng Kalinangan:
- Alinsunod sa Basic Education Curriculum 2006 kaya’t binigyang-diin ang pagsasanib ng mga aralin sa Sining, Kabuhayan, Edukasyong Pangkatawan, at iba pang asignatura
- Naglalaman ng malawak at napapanahong mga datos at estadistika tungkol sa Pilipinas
- Nakapaloob ang maraming pagsasanay na lilinang sa life skills ng mga mag-aaral tulad ng pakikisalamuha sa ibang tao, paglutas ng mga suliranin, paggawa ng mga desisyon, mga kasanayang pangkabuhayan, at iba pa
- Tiniyak sa seryeng ito ang pagpapaunlad sa mga aralin at pagsasanay sa tunguhing mahasa ang HOTS o Higher Order Thinking Skills ng mga mag-aaral
- Inter-aktibo at integratibo
Mga Komponent:
- Batayang Aklat—Organisado at analitiko, ito ay naglalaman ng mga araling higit pa sa nakasaad sa kurikulum. Ang mga aklat ay nakatuon sa pagtuturo ngpagkakakilanlan, mga kaugalian at pagpapahalagang Pilipino, kahalagahan ng paggawa, mga gawain sa musika, sining, at edukasyon sa pagpapalakas ng katawan, heograpiya, at kasaysayan.
- Manwal ng Guro—Detalyado at malaman sa impormasyon, ito ay binubuo ng sumusunod na bahagi: panimula, pangkalahatang layunin, paglulunsad ng yunit, layunin ng aralin, paksa, kagamitan, karagdagang kaalaman sa guro, pamaraan, at pagsusulit para sa yunit.
