

July 19, 2018
DICES Aralinks Playground, Matagumpay!
- Written by:
- Gab, Phoenix Editor
“Maglaro ng games!” sigaw ng mga mag-aaral nang tanungin kung ano ang gusto nilang gawin sa loob ng silid-aralan. Maaring isipin na ang paglalaro ay hindi angkop na gawain sa loob ng silid-aralan ngunit hindi maitatangging ang mga kabataan ay natututo rin sa paglalaro. Kaya naman, itinatampok ng Phoenix Aralinks, sa pamamagitan ng Phoenix Aralinks Playground, ang mga gawain at larong may malaking naiaambag sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Binisita ng Phoenix Aralinks Playground ang Diocese of Imus Catholic Education System (DICES) – isang sistema ng mga paaralang parokyal na binubuo ng 24 na paaralan. Inanyayahang makiisa sa mga gawain ang mga stakeholders, mga administrador, mga guro, magulang, at mag-aaral upang lubos nilang maintindihan ang gampanin ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto.
Upang lalo pang mapagtibay ang paggamit ng teknolohiya sa loob ng silid-aralan, ang mga guro ng DICES ay magkakaroon ng training kaugnay ng pagsasakatuparan ng Aralinks Teachnology Program. Dito, tutulungan silang bumuo ng mga gawain, mga pagsasanay at maging mga laro na makatutulong sa kanilang pagtuturo.
Napuno ng tuwa at excitement ang lahat ng nakiisa sa Phoenix Aralinks Playground sapagkat kanilang natunghayan kung paanong nakatulong ang teknolohiya sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Hindi na makapaghintay ang lahat para sa susunod na school year kung kailan ang mga guro sa mga paaralan na kabilang sa DICES ay lalo pang mababahaginan ng mga kaalaman sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo sa tulong ng Aralinks Teachnology Program.
Sa pagtapos ng oras, tinatanong ang mga mag-aaral, “’Di pa kayo natatapos? ‘Di pa kayo nagsasawa?”. Mabilis naman ang naging tugon ng mga bata, “Hindi pa po!”. Bukod sa pagiging interesado sa mga bagong gawain na kanilang natunghayan sa Aralinks Playground, unti-unting nakikita ng mga bata ang kahalagahan ng paggamit ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral.
Enjoyed this? More posts like this

Filipino Story Telling Goes Global With The PHILIPPINE INTERNATIONAL LITERARY FESTIVAL
The National Book Development Board (NBDB) celebrates National Literature Month with the launch of the 12th Philippine International Literary Festival, an annual gathering of readers, storytellers, and publishers. From April to December, this year’s virtual festival goes global with the theme “RECLAIMING OUR NARRATIVE: 500 Years of Filipino Storytelling.”

Books, paid internship to raise interest in farming, fishery
The Department of Agriculture’s Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) is giving away hard copies...

Twilight Glory ‘a must-read’ book for Filipinos
Presidential Assistant for Northern Luzon Raul Lambino on Wednesday cited the historical significance of a newly published book “Twilight Glory: A Tribute to Heroes and Veterans” as a must-read book for..

Dr. Ernesto Y. Sibal was one of the few Filipinos in academic publishing who can irrefutably lay claim to these three titles—Patriot, Pioneer and Innovator. A staunch patriot, Dr. Sibal fiercely advocated the vision of designating Filipino-authored books for young Filipino learners. This vision was enabled by the establishment of Alemar’s Bookstore in 1958, and through the foresight and drive of Alegria Rodriguez, who shared in the vision of her husband, she helped galvanize then fledgling Alemar's Bookstore as the place to go for textbooks and school needs, propelling it to become the first established bookstore chain in the country.
QUICK LINKS
CONTACTS
-
Phoenix Building, 927, Quezon Ave,
Quezon City, 1121 Metro Manila - Tel.: 8375-1640 / 8410-7635
- OPEN: 8:00 AM - 5:00 PM
- MONDAY - SATURDAY